Pag-alaala kay Chester B.

Published July 23, 2019 by dapithapon

 

I was 20 noong unang beses ko narinig sa radyo ang Crawling ng Linkin Park. I became an instant fan. Kaya nangako ako sa sarili ko noon na pag-iipunan ko ang Hybrid Theory album nila na Special Edition LP na may 2 CDs para makuha ko iyung bonus tracks.

That time, Php 450.00 (kung tama ang pagkakatanda ko o mas mahal pa yata) ang presyo ng isang CD. Mahal iyon para sa tulad kong estudyante noon. After months of saving up, tipong pumayat ako ng kaunti noon kasi di na ako kumakain ng snacks o lunch para may maitabi akong Php30.00- Php50.00 sa baon ko tapos sumasali ako sa mga FGD para may extra income kasi may bayad ang participants, nakabili rin ako. Achievement unlocked sa tulad kong pooritang fangirl. 😁

Mga kanta ng Linkin Park ang naging karamay ko sa acads at lungkot halos araw-araw simula noong nabili ko iyung CD. Wala raw akong kasawa-sawa sabi ng mga kapatid ko kaya nakabisado ko ang lyrics ng buong album.

Katunayan, noong nagkaroon kami ng simpleng family reunion sa mother side (Carolino clan) tapos nagkantahan kami ng mga pinsan kong lalaki, nagulat sila kasi kabisado ko pati rap lyrics ng mga kanta sa Hybrid Theory. Naging ka-close ko tuloy ang mga kolokoy pagkatapos ng okasyon. Haha! Nakakamiss.

Napaiyak ako noong may nagnakaw ng 20 orig CDs ko ng mga local at foreign rocks bands at kasama doon ang Hybrid Theory album, tulad nang lihim kong pag-iyak noong nabalitaan kong pumanaw si Chester Bennington.

Masasabi kong naging music hero ko kasi ang Linkin Park. Niligtas ako nito sa lungkot at namumuong depresyon dulot ng mga isyu sa buhay. Kaya apektado talaga ako noong namatay si Chester. Pakiramdam ko, napilayan nang husto ang paboritong kong banda.

Anyway, alam kong payapa na siya sa kabilang buhay. Pero hayaan ninyong alalahanin ko siya ngayong bilang isang nagpapasalamat na fan.

Rock ‘n roll in heaven, Chester B.  🤟

#linkinpark #rememberingChesterB

Leave a comment