Emoness

All posts in the Emoness category

10 years

Published October 12, 2016 by dapithapon

It’s been 10 years since I saw you.
Our last encounter was filled with confusion.
My feelings for you back then was like a color of Spring,
Memories of blooming flowers cascading the mountain slopes,
Scent of carnation, pitimini rose flowers, kampupot, ilang-ilang
and Dama de Noche lingered on my senses and imagination.

Your smile was like a sweet nectar of santan.
Your presence was a mist after the rain,
and your eyes glistened like morning dew.
But, your thoughts were unfathomable
like the depths of an abandoned water well.
Your actions contradict your words.
It totally messed up my comprehension about you.

My last card was to invite you for coffee.
I even sent you a box of pulvoron.
Too bad, I was a complete coward.
Being a girl, I thought my aggressiveness will disappoint you.
I chickened out just when I was about to hear your reply.

Fast forward to 2016,
We met by chance again.
The moment we set our eyes on each other,
I knew that you recognized me in an instant.
I was so excited to see you and hear your voice again,
I held your hands while we had our conversation.
You asked for my number
and I gave it without hesitation.

Three weeks after that chance encounter,
I haven’t received a single message from you.
Was our chance meeting our final goodbye?

Whatever the reason is,
I lost this game.
I thought we could rekindle our feelings.
I guess from the beginning,
I was the only one who felt something.

Thank you for the memories.

Tanging Hiling sa Universe

Published July 21, 2016 by dapithapon

Di ka naman nakikinig e. Ilang beses ko na bang sinabi na tama na? Di ko na yata mabilang. Nakukulitan na ako sa’yo. Di ba sabi ko sa’yo huwag ka nang lumapit sa akin?  Huwag ka nang magparamdam. Huwag ka nang magpakita.

Bakit gano’n? Kung kailan malapit na akong maka-move on sa’yo, bigla ka namang magpaparamdam.

Tuwing nakikita mo ang mga kaopisina ko, palagi mong tinatanong kung kumusta na ako o kung nasaan ako.

Tapos nakita ko pa ang picture mo kasama ang kaibigan natin. Nagcover kayo ng isang forum. Pero imbes na tumabi ka sa kaibigan natin, pinili mong umupo sa isang sulok. Tutok ang mga mata mo sa guest speaker. At mukhang seryoso kang nakikinig kasi tila may mga sinusulat ka sa notebook mong dala.

Noong una, parang okay lang naman ako nang makita kita sa litratong iyon. Sabi ko sa sarili ko, litrato lang ‘yan. Hindi dapat ako maapektuhan.

Pero bakit gano’n? Nasasaktan o siguro mas tamang sabihin na nanghihinayang pa rin ako. Akala ko kasi kapag isa, dalawang buwan o pag lampas isang taon tayong hindi nagkita, matatag na ako at masasanay rin akong wala ka sa sistema ko.

Nga pala, nakita ko kayo ng girlfriend mo sa bagong puwesto ng Rodic’s noong Mayo. Umaga ‘yun. Mga 7:30 ng umaga. Papasok na sana ako para mag-order ng almusal. Buti na lang pala nakita ko agad kayo. Umatras ako. Lumipat ako sa kabila at doon umorder para hindi n’yo ako makita. Ang siste nito, parang nananadya ang pagkakataon. Antagal bago ibinigay sa akin ng Ate sa Rodic’s ang order ko. Alumpihit ako sa kinauupuan ko kasi baka mahagip ng mga mata mo ang direksyon kung nasaan ako. Ansaklap no’n pag nagkataon. Ano ang gagawin ko di ba? Paano kung batiin mo ako at ipakilala mo sa akin ang bago mong girlfriend? Syet. Awkward. Matataranta ako no’n men! Huwag gano’n. Kaya salamat at hindi ka tumingin maski isang saglit sa direksyon ko.

Napansin ko lang, antahimik pala ninyo ng girlfriend mo pag kumakain. Hindi kayo nag-uusap. Nakayuko lang kayo at nagko-concentrate sa kinakain ninyo. Wala lang. Binanggit ko lang. Hindi dahil humo-hopia ako na hindi kayo sweet sa isa’t isa. Napansin ko lang talaga. Bitter ba ang dating? Sorry ha?

Balik tayo sa pakiusap ko. Sana hindi na tayo magkasalubong saan man sa UP Diliman. Bigyan mo ako ng space. Tipong maski isa o dalawang taon pa. Huwag ka munang magpakita sa akin para lang masigurado ko na okay na talaga ako at hindi mo na kayang guluhin ang utak at puso ko.

Huwag mo na akong bigyan ng gahiblang pag-asa na balang-araw magkakaroon din ng linaw kung ano ba talaga ang nangyari sa ating dalawa. Hayaan mo na akong bumuo ng mga bagong pangarap na hindi ka kasama. Hayaan mo na akong ibaon na sa limot ang mga alaala ko tungkol sa iyo.

Teka nga. Kunsabagay, wala nga palang TAYO. Pinadama mo lang ako. At ako naman itong si gaga, umasa sa wala. Sorry naman. 😀

Naalala ko tuloy iyung nabasa ko kahapon sa isang Facebook status: Gusto n’yo ng pagbabago? Simulan sa sarili. Itapon ng maayos ang basura sa basurahan. Isama n’yo na ring itapon ang feelings ninyo para sa kanya kasi unrequited naman.

Pak. Ganern.

%d bloggers like this: