movie

All posts tagged movie

‘Kita Kita’ movie (maikling rebyu)

Published July 31, 2017 by dapithapon

Title of Movie: Kita Kita
Release date: July 19, 2017
Studio: Spring Films
Starring: Alessandra De Rossi at Empoy Marquez
Directed By: Sigrid Andrea P. Bernardo (of the award-winning and unforgettable films “Ang Huling Cha-Cha Ni Anita” and “Lorna”)
Written By: Sigrid Andrea P. Bernardo
Produced By: Spring Films
Rating: 5/5 stars

Mini review:

Iba ang AlEmpoy. Langya ka, Empoy! Pinaiyak mo ako.   Si Alessandra rin, winner!  

Eto naman ang pa-sampu ko tungkol sa pelikulang ito:

Isa – Isa kang alamat, Empoy! Ang husay ng pagganap mo dito bilang Tonyo at na napakaepektibo ng iyong pagpapatawa, pagpapakilig at pagpapaiyak sa aming mga manonood. Pinaglaruan mo ang feelings namin. Langya ka! Haha! 

Dalawa – Dalawang mag-asawang sampal ang gusto kong ibigay sa boyfriend at kaibigan dito ni Lea. Nadala ako sa eksena. Haha.

Tatlo – Tatlong beses ako napaiyak nang hindi ko namamalayan habang nanood.

Apat – Apat ang paborito kong kilig moments sa pelikulang ito. Kilig na hindi pilit.

Lima – Limang apir sa scriptwriter nito sa pagiging witty. Dinaig nina Lea at Tonyo ang linya ni Mark Lapid tungkol sa saging at puso. Haha. 

Anim – Anim na ulit kong nasambit na buti pa si Sapporo, loyal.  Anim na beses rin akong nagpigil ng wiwi para wala akong ma-miss na eksena.

Pito – Pitong klase ng putahe na may repolyo ang kaya kong lutuin. Maeengganyo kang kumain ng repolyo para sumaya. Haha. 

Walo – Walong hanay ang pila sa ticketing area ng sinehan bago kami nakabili ng ticket ng Kita Kita.

Siyam – Siyam na lang ang natitirang upuan noong kami na ang nasa unahan ng pila sa pagbili ng ticket.

Sampu – Sampung “Langya ka, Empoy!” ang namutawi sa bibig ko sa katatawa at sobrang kilig sa suwabeng pagpapakilig ni Empoy (Tonyo) kay Alessandra (Lea). Sampung palakpak din para sa mga bumubuo ng pelikulang ito.

Di ko ineexpect na magki-click romantically dito sina Alessandra de Rossi at Empoy Marquez! Astig! 

Congratulations sa mga bumubuo ng pelikulang ito! Manood na ng “Kita Kita” habang nasa sinehan pa!  

#KitaKita
#Alempoy
#SagingLangAngMayPuso
#DiKaIiwanNiSapporo

~haids~
7/31/2017
Habang nakasakay sa tren

Advertisements

Amapola sa 65 na Kabanata: the movie?

Published April 11, 2012 by dapithapon

Photo credit: http://www.interaksyon.com/
article/18143/manananggals-ka-andres-time-travel-gay-love-in
-ricky-lees-second-novel

Katatapos ko lang basahin  noong nakaraang Semana Santa ang Amapola sa 65 na Kabanata, nobelang akda ng batikang manunulat na at idol kong  si Ricky Lee. Simula yata noong binuklat ko ang mga pahina nito ay halos hindi ko na ito tinantanan. Kahit nga madalas ay marami akong ginagawa sa bahay namin o sa opisina, tuwing may pagkakataon ako (halimbawa—habang nakasakay sa MRT, nagpi-prito ng ulam, kapag commercial break ng mga pinapanood kong palabas sa  TV o jumejebs) sinisingit kong basahin ang bawat kabanata nito. Ang husay kasi ng pagkakasulat at talagang nag-enjoy  ako! 😀

Minsan nga, pakiramdam ko’y nawi-weirduhan na sa akin ang mga kapwa ko pasahero sa MRT tuwing binabasa ko ‘yung libro. Hindi ko kasi mapigilang tumawa lalong-lalo na sa mga eksena kung saan kinausap ni Amapola (ang pangunahing tauhan sa nobela ) ang kanyang mga alter ego na sina Zaldy at Isaac tungkol sa pagiging manananggal niya.

Ninamnam ng utak ko ang mga donut na paboritong kainin ng lola ni Amapola na si Lola Sepa  at nakisimpatiya ako sa kanyang unrequited love sa Ama ng Katipunan na si Andres Bonifacio. Naramdaman ko rin ang autentikong paghanga ng pulis na si Emil kay Super Star Nora Aunor. At tulad ni Gisele na girlfriend ni Isaac na naging manananggal, nakuha ni Emil ang respeto ko sa kanyang ipinakitang loyalty bilang avid fan ni Nora Aunor. Nabuwisit din ako sa twisted idealism ng politikong si Trono.

Ganoon yata katindi ang epekto sa akin nitong libro kaya napahanga na naman ako ni Ricky Lee.

Isa pang nakakabilib doon sa nobela ni Ricky Lee ay napagsaliw niya ang panahon nila Andres Bonifacio sa panahon ng Martial Law at ng kasalukuyang kalagayan ng Pilipinas.

Astig talaga! Sana naman gawan ng pelikula itong Amapola. Kung gagawin siguro itong pelikula, tiyak na papatok ito sa takilya.

May suggestion ako kung sino ang mga gaganap na artista sa mga  sumusunod na karakter:

  • Amapola—kung hindi puwede si Rustom Padilla (BB Gandanghari), bagay rito si Paolo Ballesteros o si Martin Escudero
  • Lola Sepa— kering-keri ito ni Eugene Domingo. Siya lang at wala ng iba akong nakikitang gaganap na Lola Sepa. As in. 😀
  • Emil—si Marc Abaya ang nakikita kong nababagay rito
  • Nanay Angie—aha! Si Cherry Pie Picache! Pwede! 😀
  • Homer—puwedeng gumanap dito si Ping Medina o si Coco Martin. Pero pwede na rin siguro si Zanjoe Marudo para yummy. Hahaha!
  • Gisele—si Glaiza de Castro o si Toni Gonzaga
  • Andres Bonifacio—bagay rito si Dennis Trillo! 😀
  • Trono—Marvin Agustin! Need I say more?

Para sa iba pang mga karakter, kahit sino, pwede ng gumanap nun basta kaya nilang gampanan ang role.

Grabe na ito. Bigla akong na-excite. Sana magkatotoo. 😀

%d bloggers like this: