36

Published August 9, 2016 by dapithapon

Labindalawang araw na ang nakalipas simula noong ipinagdiwang ko ang birthday ko. Ngayon lang lubusang nag-sink in sa akin na 36 years old na nga talaga ako nang may makita akong nakaangat na kaisa-isang puting buhok sa ulo ko. This is it. Lampas na sa tinatawag na early 30s ang edad ko.

Apat na hininga na lang, este, taon, magka-kuwarenta na ako. At sa edad kong ito, SINGLE pa rin ako. Hahaha! Di ko alam kung maba-badtrip ako o okay lang. Di rin naman kasi naging mabait ang tadhana sa akin noong mga panahon na may lovelife pa ako kaya parang hati ang kalooban ko sa isyung ito. In short, minalas ako sa mga naging karelasyon ko dati.

Bukod sa civil status ko, parang naging restless yata ako. Maski noong 35 palang ako, naramdaman ko na ito. Andami kong gustong gawin. Iba-iba. Hindi dahil ambilis kong mawalan ng interes sa mga ginagawa ko kundi talagang andaming mga bagay na lumiligalig sa akin at gusto kong gawin lahat ang mga iyon. Halimbawa na lang, naging aktibo ako sa pagiging fangirl; nagsulat ng mga tula, sanaysay, at kuwento; nahilig sa pagpipinta, at nag-oorigami ako. Madalas din akong magbasa ng manga o manood ng mga pelikula o Korean o Japanese drama.

Naadik din ako sa photography. Wala akong DSLR kaya point and shoot camera o kaya’y cellphone lang ang gamit ko pero hindi naging hadlang iyon para mapagbigyan ang hobby kong ito. Dati na akong mahilig kumuha ng mga larawan pero mas tumindi ngayon. Kaya nga pag may mga pagkakataon, nagpapasama ako sa mga kaibigan ko para lang  magphotowalk. Kung saan-saan kami nakarating! Sa Intramuros, National Museum, UP Diliman, Tagaytay, Luneta, Binondo, Baguio City, Ilocos… basta kung saan-saan. 😀

Lalo ring tumindi ang hilig ko sa pagtravel kaya maski pagdalaw sa mga museum ay pinapatos ko. Tipid naman kasi libreng pumasok sa museum at walang bayad sa mga lugar na dinadayo ko at ang gastos ko lang ay pamasahe at pagkainKung marami lang siguro akong pera, baka tuwing weekends ay kung saan-saan ako makakarating.

Medyo magastos ang mga gusto kong gawin pero buti na lang, marunong na akong magmanage ng pera ko kaya kahit papaano ay napapagbigyan ko ang mga bago kong trip sa buhay nang hindi naku-kumpromiso ang mga responsibilidad ko sa buhay (with emphasis sa pagbabayad ng bills).

Ang pinakamagastos kong hobby ngayon ay ang pagpipinta kasi mahal ang mga materyales tulad ng canvas, paint brushes at paint colors. Pero ang nakakatuwa nito, may mga kaibigan akong nagka-interes sa ibang mga ipininta ko kaya may mga nabenta ako. Iyung nabenta kong paintings, nabahaginan ko pa ang Nanay ko at nakabili ako ng mga materyales para sa pagpipinta. Iyung iba naman, ginawa kong panregalo sa mga kaibigan kong nag-birthday. Mas nagustuhan nila kasi alam nilang pinaghirapan ko iyon at nakakatuwang isipin na gusto rin nila ang ipininta ko. Masaya na ako no’n. 🙂

May ilang mga kaibigan ako na sumisita sa akin dahil sa sobrang pagkaligalig ko. May mga oras kasi na hindi nila minsan ako mahagilap kasi busy akong masyado sa hobby ko. Akala naman ng iba, kaya ako restless kasi may matindi akong problema o nilalabanan ko ang lungkot ko ayoko ng walang ginagawa.

May konting katotohanan din iyon. Pero sa kabuuan, hindi ko rin gaanong maintindihan kung bakit restless ako. Sign of aging ba ito? O baka nga para hindi ko maramdaman ang kakulangan sa buhay ko?

Ang alam ko lang, mas masaya ako ngayon.

Kung magkakaroon man ako ng lovelife, sana suportahan ako ng future boyfriend ko sa mga trip kong ito. Kunsabagay, kung magiging hadlang siya sa mumunting kaligayahan kong ito, malamang, mas pipiliin ko na lang munang manatiling single hanggang sa dumating ang lalaking kayang sakyan o sabayan ang mga trip ko sa buhay.

Basta sa ngayong 36 na ako, ang priority ko ay makabili ng bagong camera kasi palyado na iyung ginagamit ko at maglakbay muli.

Or, puwede rin namang magka-lovelife, sabi nga ng mga magulang ko. Charot. Hahaha! 🙂

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: