Birthday ko ngayon

Published July 28, 2015 by dapithapon

Birthday ko ngayon pero nakasuot ako ng itim kanina pagpasok sa opisina. Ewan ko ba. Basta pagmulat ko ng mga mata ko, agad pumasok sa kukote ko na papasok ako sa opisina na itim ang suot at hindi pula. Hindi dahil natatakot akong maging tampulan ng tukso (dahil ang pula ay madalas na inaassociate sa birthday ng mga Instik) kundi dahil repleksyon iyon nang nararamdaman ko ngayon.

Sabihin na lang nating simbolo ito ng pagluluksa at pagbubunyi na rin.  Magulo di ba? Pero ganito ang nararamdaman ko ngayon: masaya na malungkot, malungkot na masaya. Ipinagdiriwang ko ang ika-35 taon ko sa mundo kaya masaya ako kasi nakaabot ako sa edad na ito dahil matagumpay kong nalampasan ang mga unos sa buhay ko. Pero ipinagluluksa ko rin ang ilang masasamang pangyayari naganap sa akin at sa pamilya ko. Salamat sa Diyos at eto, nakabangon kami at patuloy na lumalaban para mapanatiling buo ang pamilya namin at mangibabaw ang pagmamahalan.

Hindi perpekto ang buhay ko pero suma-tutal, masaya naman at makulay. Para lang akong sumakay sa ferris wheel na nangiginig sa takot at tila may nakadagan na hollow blocks sa dibdib ko lalo na kapag humihinto ito sa ere at dinuduyan ng hangin ang bagon kung saan ako nakaupo. Iyung tipong, pagbaba ko mula sa ferris wheel na iyun ay parang may mahiwagang kamay na nag-alis ng hollow blocks sa dibdib ko at ako’y nakahinga nang maluwag. Salamat talaga sa Panginoon sa biyaya ng buhay.

Mayroon lang talagang kulang pa sa buhay ko.  Kaya ang hiling ko ngayong birthday ko, sana matupad. Kung ano man iyun, Abangan. ^_^

Advertisements

2 comments on “Birthday ko ngayon

  • Belated happy birthday! Napakarami pang storya ang pwedeng maisulat kung life-story talaga ang pag uusapan. Sabi mo nga: masaya, malungkot at makulay pero ang nakaka-amaze dun lahat ng nangyayari sa’tin kahit gusto nten o hindi ay tumutulong para ihanda Nya tayo sa totoong misyon naten dito sa earth. Kaya sige lng ng sige. Sagot Nya tayo.

    • Oo, Ms. Loida. Sagot tayo ni Lord. Kaya masaya ako kasi marami talaga akong natutunan sa mga karanasan ko sa buhay. Nagisisilbi rin iyong inspirasyon at motibasyon para patuloy akong magsulat. Tama ang sabi nila, you have to experience pain in order to feel alive and pain is also a great motivation.

      Salamat Ms. Loida sa words of wisdom. (^_^)

  • Leave a Reply

    Fill in your details below or click an icon to log in:

    WordPress.com Logo

    You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

    Twitter picture

    You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

    Facebook photo

    You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

    Google+ photo

    You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

    Connecting to %s

    %d bloggers like this: