Iniibig mo nga ba ako?

Published May 14, 2015 by dapithapon

Iniibig mo ba ako?
O iniibig mo lang ako dahil kailangan mo ako?
Batid mo ba ang nilalaman ng puso ko?
O ang nakikita mo lang ay ang panlabas nito?
Iniibig mo ba ako dahil mahal mo ako at alam mong mahal din kita?
O iniibig mo ako dahil wala ng iba?

Ako nga ba ang ibinubulong ng puso mo?
O ako lang ang idinidikta ng isip mo?
Nararamdaman mo ba ang sikdo ng aking dibdib?
O maging ang tibok ng puso ko’y hindi mo naririnig?

Ano’ng saysay ng mga pakiusap ko sa langit,
tulad ng sana bukas makalawa o sa susunod na taon ay ibigin mo ako dahil ako ay ako,
o kaya’y sana sa kabilang buhay ay magtagpong muli ang ating mga landas
at bibigkasin mo ang aking pangalan
hindi dahil alam mo kung sino ako kundi sa ako’y minamahal mo…
kung ang lahat ng aking mga hiling ay tila tuyong dahon na nilipad lang ng hangin?

Ano man ang kahihinatnan ng lahat ng ito,
asahan mong mananatiling tikom ang aking bibig
at tatanggapin nang maluwag sa aking dibdib.

Ngunit, kung dumating ang araw na ako talaga ang laman ng iyung puso at isip,
Dalhan mo ako ng mga pulang rosas at huwag mong tanggalan ng mga tinik,
At yayakapin ko ang mga iyon nang buong higpit
hanggang sa magdugo ang aking dibdib at mga kamay,
at nanamnamin ang sakit sa bawat himaymay
nang malaman kong totoo nga ang lahat
at hindi lang isang hungkag na pangarap.

~dapithapon / 5.15.2015

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: