Where do broken hearts go?

Published February 28, 2015 by dapithapon

Napanood ko iyung “That Thing Called Tadhana” nina Angelica Panganiban at JM de Guzman. Anlakas makahugot ng pelikulang iyon. Di ko mapigilang mapangiti, malungkot, mainis, makisimpatya at ma-inlove sa mga bida. Sapol kasi ang bawat mga binibitawan nilang dialog. Nakaka-relate talaga ako. Pero hindi dahil hindi pa ako makamove on sa mga naging ex ko. Naalala ko lang kasi ang mga kagagahan ko noon.

Ang ganda pa ng setting. Sa Sagada? Paborito kong lugar iyon. Parang gusto ko tuloy pumunta ulit doon at sumigaw sa Mt. Kiltepan o sa Echo Valley at mag-explore ulit sa Sumaging Cave. Pangarap ko ring akyatin ang Mt. Amapacao roon. Nakakamiss ang Sagada.

Anyway, natutunan ko sa pelikulang iyon, kapag dinala at inalagaan mo sa puso mo ang mga bagahe sa buhay mo at hindi mo kailanman binitiwan, mabibigatan ka lang at magiging kasing-bagal ng usad ng trapiko sa EDSA ang pagmove-on.

Saan nga ba napupunta o nagpupunta ang mga pusong sawi? Where do broken hearts go? Sa Baguio? Sa Sagada ba? Sa Tagaytay? Sa ibang bansa?

Sa kaso ko, naglalakad akong mag-isa sa Academic Oval sa UP Diliman at kapag napagod na ako sa paglalakad nang paulit-ulit, saka ako tumatambay sa Sunken Garden at doon ako umiiyak. Iyung tahimik na pagluha lang at pinipigilan ko ang sarili kong humagulgol para hindi makatawag-pansin sa mga nakatambay rin doon. Tamang emote lang.

Simula noong January 2011, wala na ulit akong naging boyfriend. Hindi dahil hindi ko pa makalimutan ang ex ko. Nagkataon lang talaga na nagpahinga muna ang puso ko. Pero iyun ang akala ko. May mga taong dumating sa buhay ko na nagbigay pa rin sa akin ng kabiguan, heartaches, nagpaluha. Nakakaloka lang kasi akala ko, dahil nagdesisyon akong magpahinga muna sa pakikipagrelasyon ay mai-immune na ako sa pag-ibig. Nagkamali ako.

Nainlove ulit ako noong 2012 sa isang kaibigan kaso hindi niya ako gusto. Na-friendzone ako. Hahaha! Pero tapos na ang kabanatang iyon sa buhay ko. I’m completely over that guy. Masaya na siya sa pinakasalan niya at masaya na rin ako para sa kanya kasi hindi naman siya masamang tao at marami rin akong natutunan sa pagkabigo ko sa kanya.

Akala ko pagkatapos noon, wala na akong problema sa heartaches dahil burado na sa puso ko ang kaibigan kong iyon. Pero…nagkamali na naman ako. Two years later, hindi ko inaasahang may darating na naman palang kapalit.

I think I’m inlove again…with another friend. Mas bata siya sa akin ng pitong taon. Sadly, I think he doesn’t feel the same way.

Last year, he’s been sending mix signals that he also likes me. But, I think this year is totally different. It’s as if the feelings he may have for me vanished into thin air.  How did I know this? He no longer visits our office. He’s no longer seen even in the vicinity of our office building.

Or perhaps, he never really had feelings for me. Ansaklap. I feel so sad.

Twice ko palang siyang nakita this year. Noong isang beses, kasama ko ang officemates ko kasi may imi-meet kaming mga bisita ng boss namin. Habang wala pa iyung mga bisita, nakita at nakausap pa namin siya.  Pero iniwan kaming dalawa ng officemates ko at hinayaan kaming mag-usap na dalawa. Habang kinukumusta niya ako, kinurot niya muna ako sa braso, iyung malambing na kurot tapos hindi na niya ako binitawan. Pakiramdam ko tuloy, hinawakan niya ako sa braso kasi akala niya tatakbuhan ko siya. Saka lang niya ako binitawan noong dumating na ang mga bisita. Tapos nagpaalam na ako sa kanya.

Itong pangalawa, nakita ko siya kahapon sa event namin. Pero hindi ko alam kung nakita niya ako. Kung sakali mang nakita niya ako, nakakalungkot kasi hindi niya ako pinansin. Nagmamadali siya. May lakad daw kasi siya sabi niya sa officemate ko. Ako, wala. Ni hindi siya nagpaalam sa akin.

Pagkatapos ng event namin, nanlibre ang boss ko sa Red Onion restaurant kasama ang friend niyang professor. Dahil kilala rin namin iyung friend ni Sir, kabiruan namin siya. At siyempre, tinukso na naman nila ako sa friend kong iyon. Ayoko na nga sanang mabanggit ang pangalan ng kaibigan ko para di lumala ang nararamdaman ko para sa kanya, kaso, kami talaga ang paboritong tuksuhin ng officemates at mga boss ko.  (>.<)

Pagkatapos ng dinner ay nagdesisyon na kaming magkakaopisina na umuwi, naisip ko na naman ang kaibigan ko. Hindi siya nawala sa isip ko maski noong sumakay ako ng bus patungong Shaw Boulevard hanggang sa bumaba ako sa bus sa Star Mall, naglakad at tumawid sa kalsada para salubungin ang tatay ko. Ang kulit lang. Para siyang bubble gum na nakadikit sa suwelas ng sapatos. Ang hirap tanggalin sa utak. Pilit niyang inookupa lahat ng espasyo sa utak ko habang tinatahak namin ni Daddy ang EDSA patungong Pasay para sunduin ang Ate ko. Kalahati ng utak ko ay okupado ng kaibigan ko habang kausap ko ang tatay ko na sinesermunan ako kasi hindi pa rin daw ako nag-aasawa hanggang ngayon. At sinasakop rin niya pati ang tibok ng puso ko habang nagba-biyahe na kaming mag-aama pauwi sa bahay namin sa Laguna.

Gusto kong umiyak. Actually, pagdating sa bahay namin, naiiyak talaga ako habang nagbibihis, naghihilamos at nagtotoothbrush.

Sa sulok ng puso ko, umaasa ako na may katiting siyang pagtingin sa akin. Sabi ng mga tao sa paligid namin, meron daw. Pero bakit ganoon? Wala siyang sinasabi? At bakit hindi ko maramdaman?

Mukhang brokenhearted na naman ako. When will this end? Itong pagiging jinx ko sa lovelife? Kelan ba ako susuwertihin?

Wow lang. Tapos ngayon, habang pinapapanood ko itong “That Thing Called Tadhana” e lalo yata akong nalungkot. This feeling sucks!

Kung wala rin namang tugon ang feelings ko para lalaking iyon, wish ko lang ay sana maka-get over ako sa nararamdaman ko para sa kanya. Nakakapagod na kasing maging brokenhearted.

Again, where do broken hearts go?

One of these days, baka tumambay ulit ako sa Sunken Garden.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: