I survived Valentine’s Day! LOL! :-D

Published February 16, 2015 by dapithapon

Dalawang araw na ang nakalilipas mula noong Valentine’s Day. Buhay pa naman ako. Sabi na e. Wala talagang idudulot na mabuti ang pag-alala na walang ka-date sa Araw ng mga Puso. Hindi naman ako nilamon ng lupa o kaya’y umiyak ng ga-baldeng luha dahil lang sa single ako. Sa katunayan, naging masaya ako noong Pebrero 14 kasama ang mga kaibigan kong tulad ko rin na single.

Pumunta ako sa UP Fair noong Pebrero 14. Sabado iyun pero mas kakaunti ang mga tao. Siguro iyung ibang mga magsing-irog e nag-celebrate ng Valentine’s Day sa motel, o sa bahay, o di kaya’y sa restaurant. Ayos lang. At least hindi siksikan sa Sunken Garden at nakakapamili pa kami ng puwesto kung saan namin gustong gumala.

Natuwa ako kasi napanood ko ang performance ng mga paborito kong banda, ang Rocksteddy, Tanya Markova, Wolfgang, at Slapshock! Putsa! Sobrang sulit ang pagpunta namin sa UP Fair. Mahigit yata dalawang dekada na noong huli kong napanood ng Live ang Wolfgang! Wala kaming pakialam maski nabasa kami ng ulan. Oo. Medyo malakas ang buhos ng ulan noong Araw ng mga Puso. Para kaming dinidiligan habang naghe-headbang noong concert. Pakiramdam ko ay nakikiramay ang ulan sa mga pusong sawi o kaya’y nakikisaya sa mga tulad naming single pero masayang nakikipagrakrakan sa Sunken Garden.

Nakakaaliw ang pagpapatawa ni Pikoy ng Rocksteddy. Pakenkoy kaming pinasumpa na sana raw pagkatapos ng Valentine’s Day ay magbreak na ang mga magsyota. Tapos iyung vocalist naman ng Tanya Markova, sabi, “Sorry pero wala po kaming love song. Kami po talaga ang bandang walang lovelife.” Kawawa. Wahahaha!

As usual, hindi mawawala sa UP Fair ang mga JJ (Jumping Jologs). Noong tumugtog na ang Wolfgang, naroon ‘yung nakipag-slamman (body slamming) at nagmoshpit pa sila. May mga naghubad na ng t-shirt at walang habas na sinabayan sa pagkanta si idol Basti Artadi.

Ang riot ay noong tumugtog na ang Slapshock. May isang JJ na umakyat sa scaffolding at bigay-todong nag-headbang. Akala ko nga tatalsik ang ulo ng JJ sa mga nagmoshpit e. Pinapatalon pa siya ng mga tao at pinangakuang sasaluhin siya. Anlakas ng trip! Ha-ha-ha! Buti na lang at nakialam na ang mga bouncer at security at pinababa ang JJ. Mahirap na. Baka magkaroon pa ng aksidente kapag naisipan ng bagets na tumalon. Ayown.

Nabuhay ang dugong rakista ko matapos ang performance ng Wolfgang at Slapshock. Sobrang na-miss ko talaga nag UP Fair. Buti na lang at sumama ang mga kaibigan ko. Nawala pagiging emo ko noong Araw ng mga Puso. Nawala rin sa isip ko na may kulang sa buhay ko at wala akong ka-date.

Sino ngayon ang mag-aakala na para lang sa lovers ang Pebrero 14? Puwede rin maging masaya kaming mga single sa sarili naming paraan. O ha?

I survived Valentine’s Day! Winner! 😀

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: