Ang tooth ache at pag-ibig

Published June 18, 2014 by dapithapon

(Updated) Noong nagpunta ako sa dentista kamakailan lang, eto ang nagpagmuni-munian ko tungkol sa sakit ng ngipin at pag-ibig:

 

Ang pag-ibig, parang tooth ache.

Kapag masakit, inuman ng Mefanamic Acid.

Kapag may butas, ipa-pasta.

Kapag durog na at masakit,

Ipa-root canal para patayin ang ugat at mawala na ng tuluyan ang sakit.

Kapag bulok na talaga o kaya’y umuuga na,

Saka ipabunot at pagkatapos ay itapon sa bubong at baka sakaling tumubo ulit,

O kaya’y sa basurahan dahil wala ng silbi.

At kung handa ka nang magkaroon ng bago,

Magpagawa ng pustiso para mapalitan ang nawala.

Hindi man orihinal na ngipin ang pustiso, ang mahalaga ay hindi ka na bungi.

Sa simula, may kakaiba kang mararamdaman kapag bagong lagay palang ang pustiso.

Darating ka sa punto na hahanapin mo pa rin ang dati mong ngipin.

Ngunit sa pagdaan ng mga araw, unti-unti ka nang masasanay

Hanggang  sa malalaman mo na lang,

Iyung pustiso pala ang magiging daan upang makumpleto kang muli.

 

Advertisements

2 comments on “Ang tooth ache at pag-ibig

    • Oo. Sa simula, parang kakaiba ang pakiramdam mo kapag bagong lagay palang ang pustiso. Darating ka sa punto na hahanapin mo pa rin ang dati mong ngipin. Pero sa pagdaan ng mga araw, unti-unti ka nang masasanay hanggang sa malaman mo na lang, iyung pustiso pala ang magiging daan upang makumpleto kang muli. (^_^)

  • Leave a Reply

    Fill in your details below or click an icon to log in:

    WordPress.com Logo

    You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

    Twitter picture

    You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

    Facebook photo

    You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

    Google+ photo

    You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

    Connecting to %s

    %d bloggers like this: