Tumingin sa Langit ang Uwak

Published February 7, 2013 by dapithapon

IMG_0463

Ang Uwak

I.

Pupugak-pugak

Ang hinahapong uwak

Itim na pakpak

Ang sugat ay nagnaknak

II.

‘Di makadapo

Ni sa ligaw na puno

Nagsusumamo

Sa hangin ay sumuko

At doon sa dakong Silangan

Abuhing ulap ay humarang

At lumambong sa karagatan

At umiyak sa kalupaan

III.

Sa talim ng hampas ng hangin

Lubid man ay kayang kalasin

Tila hihiwain ang balat

Hanggang sa magkasugat

Di nakaligtas

Ang pobreng uwak

Sa ula’y walang takas

At sumuko ang pakpak

IV.

Sa bagsik ng buntis na ulap

S’ya’y bumagsak sa alapaap

Sinalo ng mabatong lupa

Ni isang puno’y walang naawa.

Sa naghihingalo n’yang diwa

Kumislap ang kanyang mga mata

Tumingin sa langit ang uwak

Nangilid ang luha’t pumatak

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: