Sa Quezon Ave.

Published December 7, 2012 by dapithapon

Quezon Ave

Kapit ineng
Kapit at baka ika’y mahulog
Sa dyipning kakalog-kalog
Konti na lang at ika’y mauuntog.

Tinanggihan mo ang pagkain na aming inalok
Gusto mo lang kamong makauwi
Hindi mo kailangan ng Skyflakes o mani
Kundi kaunting barya
mula sa malalalim naming mga bulsa.
Pambili kamo ng gamot ni Inay
O kahit ng limang pirasong tinapay.

Bahagya kaming nagduda
Mga sinambit mo’y totoo nga ba?
O baka naman ang mga barya’y ipang-cara y cruz mo lang
Nakadadala na kasi talaga sa totoo lang.

Nang walang tuminag at dumukot,
Noo mo’y bahagyang nalukot.
Nang sa pakiramdam mo’y tikom ang aming mga palad,
Sa paghinto ng dyip ay huminga ka ng malalim

At sabay lumundag.

Walang lingon-likod ika’y tulirong naglakad
Palayo sa mga pasaherong tsaka lang tinamaan ng habag.

— — Quezon Avenue, Nobyembre 30, 2012

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: