My Single Dilemma (Part 3)

Published August 18, 2012 by dapithapon

Sabado, alas singko y media ng umaga, pilit kong hindi pinapansin ang eskandalosong alarm

ng cellphone ko. Pakiramdam ko’y binabasag na nito ang eardrums ko kaya nagtakip ako ng unan para mabawasan ang lakas ng tunog nito sa pandinig ko.  Kaya lang, hindi ko puwedeng habang buhay na hindi pansinin ang nagwawala kong cellphone kaya pinatay ko ang alarm. Kelangan nang bumangon at mag-ayos para pumasok sa opisina pero lintek, gusto ko pang matulog.

Pero kahit ano’ng biling-baligtad ko sa kama, hindi ko na maibalik ang antok ko. Gising na gising na ang diwa ko. Naitanong ko tuloy sa sarili ko, ano bang araw ngayon?

A, espesyal na araw ko nga pala. Nadagdagan na naman ng isang taon ang edad ko. At ang nakakaloka nito, lampas na sa kalendaryo. Syet.  Di bale, nasa Bingo Cards pa naman ako. At ika nga ng bestfriend kong mermush vaklush, nasa thermometer pa raw. Ha-ha-ha!

Dinampot kong muli ang cellphone ko at tiningnan ang Inbox ko kung may mga bumati na sa akin ng Happy birthday. Magtatampo ako kung wala. Papansin mode lang. 😀

Muntik na akong malaglag sa kama matapos basahin ang unang mensaheng natanggap ko. Galing sa tatay ko ang text at gusto kong mag-tambling. Eto ang mensahe niya:

Daddy: Happy birthday, anak. I wish magkaasawa ka na ng may maihatid naman ako sa altar. He he. I love you very much.–SMS received at 5:00 am

Kung hindi siguro ako kumapit sa hagdan ng kama (double deck ang kama namin at sa baba ako nakahiga) ay baka nalaglag ako. Pero imbes na manghilakbot, napangiwi na lang ako at agad na bumangon para maglingkod sa bayan. Chos! 😀

Pakiramdam ba talaga ng mga magulang ko e napag-iwanan na ako? Moderno na ang panahon a? Bakit nila ako minamadali? Uso na naman ngayon ang babaeng late na nag-aasawa, di ba? 😛

Napaisip tuloy ako. Gusto kong sumaya ang mga magulang ko. Gusto ko rin namang maging masaya. Kaso, ang tanong lang, saan nga ba ako makakakuha ng mapapangasawa, aber? Ayoko namang basta na lang kumuha ng batong ipupukpok ko sa sarili ko ‘no.

Hindi mahirap humanap ng boyfriend at ilang beses na akong nagkaroon niyan. Panay palpak nga lang. He-he. Ang mahirap hanapin ay ‘yung MATINONG boyfriend o mapapangasawa. Iyong tipo ng karelasyon na hindi ka iiwan kahit magdildil na kayo ng asin o iyong hindi ka gagawing losyang sa sobrang sama ng loob.

Chineck ko  pa ang ibang mga mensahe na natanggap ko. At, kumusta naman? Halos ganoon din ang tema. Buti na lang sa Facebook e hindi ganoon ang mga mensahe or else, sisigaw ako habang sinasabunutan ang buhok ko. 😀 . In fairness, ha, nakakatawa lang.  It seems that everybody wants to see me married. Weird.

Naman. Ano ba ang gagawin ko? Ni hindi pa nga ako nai-inlove ulit. Marami akong crush ngayon. At pinapasaya nila ang araw ko kapag nakikita ko sila kahit by accident lang. Pero hanggang doon na lang ‘yun. Di ko keri na ako ang mauunang makipag-usap sa kanila. Babaeng torpe ako. 😀

Kunsabagay, dapat siguro masanay na ako sa mga ganitong tanong sa akin. Kung kailan daw ba ako mag-aasawa? Maski sa family reunion, ganito rin ang palaging tinatanong sa akin e. Nakakasawa na minsan. Pero tiis-tiis. Ganoon talaga. Pasok na lang sa isang tainga, labas sa kabila. E hindi naman kasi parang namumulot ka lang ng candy wrappers na nagkalat sa paligid ang paghahanap sa mga matitinong lalaki ngayon. At hindi pati ako masipag maghanap dahil makahanap man ako, aba’y di ko naman kayang gumawa ng unang hakbang para pansinin nila ako ‘no. Nagawa ko na minsan ‘yun, basted ako. Kaya di ko na uulitin ‘yun kahit kelan. Baka pag nabasted ulit ako e mambugbog lang ako ng lalaking akala mo naman kung sinong Greek god sa kaguwapuhan kung mambasted o umasta. (Ay bitter ocampo ang peg! Wahahahahaha!)

Anyway, masaya naman ang kinalabasan ng birthday ko. Pagkagaling ko sa opisina, nagkita kami ng kapatid ko at namasyal kami sa Mall of Asia. Tapos ipinag-shopping ako ni Ate ng pantalon at t-shirt bilang birthday gift niya sa akin.  Tapos hinintay namin ang tatay namin para sunduin kami at ituloy ang celebration sa bahay namin. Nakabili kami ng cake, pizza at KFC bucket meal at pinagsaluhan namin ‘yun sa bahay kasama ang mommy, hipag at mga pamangkin ko.  Nakasalubong rin namin sa subdibisyon ang kuya ko bago siya pumasok sa opisina kaya nabati niya ako sa kaarawan ko. Tapos online pa sa Skype ‘yung panganay naming kapatid na nasa ibang bansa kaya parang kasama na rin namin siya sa selebrasyon. Para akong dinuduyan sa kasiyahan. 😀

Sa dami ng mga natanggap kong blessings at na-achieve na goals ngayong taon na ‘to, keber na kung single. Marami akong dapat ipagpasalamat. Masaya ako kahit zero ang lovelife ko. Alam kong iyon na lang ang kulang. Pero sa tingin ko, hindi rin naman talaga sobrang kakulangan kasi kuntento pa naman ako sa sitwasyon ko sa ngayon.

Pero kung ako ang tatanungin, sana pala, niregaluhan ako ni Lord ng lalaking makalaglag-panty sa kaguwapuhan at patay na patay sa akin para solb na ang problema ko sa lovelife. Joke! Pero puwede rin namang totohanin kung pagbibigyan ni Lord. Ha-ha-ha! 😀

Kaya ko ito. Aja!

Sabado, Hulyo 28, 2012

Advertisements

2 comments on “My Single Dilemma (Part 3)

  • huli man daw…pabati na rin…BELATED HAPPY KAARAWAN!!!! Nyahaha…ang ganda ng pambati nila…wag ka mag alala di ka nag iisa..gnyan din ang mga tanong sken…hehe..tama ka…gusto ka nila makita masaya kya heksayted sila na mag asawa ka na….

    • apir tayo, ms. loida. grabe na ang mga utaw, mas excited pa kesa sa atin. hahaha! at, salamat nga pala sa greetings. keri lang ‘yun kahit belated. feeling ko, 32 days kong ise-celebrate ang birthday ko. wehehehe. 😀

  • Leave a Reply

    Fill in your details below or click an icon to log in:

    WordPress.com Logo

    You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

    Twitter picture

    You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

    Facebook photo

    You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

    Google+ photo

    You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

    Connecting to %s

    %d bloggers like this: