Amapola sa 65 na Kabanata: the movie?

Published April 11, 2012 by dapithapon

Photo credit: http://www.interaksyon.com/
article/18143/manananggals-ka-andres-time-travel-gay-love-in
-ricky-lees-second-novel

Katatapos ko lang basahin  noong nakaraang Semana Santa ang Amapola sa 65 na Kabanata, nobelang akda ng batikang manunulat na at idol kong  si Ricky Lee. Simula yata noong binuklat ko ang mga pahina nito ay halos hindi ko na ito tinantanan. Kahit nga madalas ay marami akong ginagawa sa bahay namin o sa opisina, tuwing may pagkakataon ako (halimbawa—habang nakasakay sa MRT, nagpi-prito ng ulam, kapag commercial break ng mga pinapanood kong palabas sa  TV o jumejebs) sinisingit kong basahin ang bawat kabanata nito. Ang husay kasi ng pagkakasulat at talagang nag-enjoy  ako! 😀

Minsan nga, pakiramdam ko’y nawi-weirduhan na sa akin ang mga kapwa ko pasahero sa MRT tuwing binabasa ko ‘yung libro. Hindi ko kasi mapigilang tumawa lalong-lalo na sa mga eksena kung saan kinausap ni Amapola (ang pangunahing tauhan sa nobela ) ang kanyang mga alter ego na sina Zaldy at Isaac tungkol sa pagiging manananggal niya.

Ninamnam ng utak ko ang mga donut na paboritong kainin ng lola ni Amapola na si Lola Sepa  at nakisimpatiya ako sa kanyang unrequited love sa Ama ng Katipunan na si Andres Bonifacio. Naramdaman ko rin ang autentikong paghanga ng pulis na si Emil kay Super Star Nora Aunor. At tulad ni Gisele na girlfriend ni Isaac na naging manananggal, nakuha ni Emil ang respeto ko sa kanyang ipinakitang loyalty bilang avid fan ni Nora Aunor. Nabuwisit din ako sa twisted idealism ng politikong si Trono.

Ganoon yata katindi ang epekto sa akin nitong libro kaya napahanga na naman ako ni Ricky Lee.

Isa pang nakakabilib doon sa nobela ni Ricky Lee ay napagsaliw niya ang panahon nila Andres Bonifacio sa panahon ng Martial Law at ng kasalukuyang kalagayan ng Pilipinas.

Astig talaga! Sana naman gawan ng pelikula itong Amapola. Kung gagawin siguro itong pelikula, tiyak na papatok ito sa takilya.

May suggestion ako kung sino ang mga gaganap na artista sa mga  sumusunod na karakter:

  • Amapola—kung hindi puwede si Rustom Padilla (BB Gandanghari), bagay rito si Paolo Ballesteros o si Martin Escudero
  • Lola Sepa— kering-keri ito ni Eugene Domingo. Siya lang at wala ng iba akong nakikitang gaganap na Lola Sepa. As in. 😀
  • Emil—si Marc Abaya ang nakikita kong nababagay rito
  • Nanay Angie—aha! Si Cherry Pie Picache! Pwede! 😀
  • Homer—puwedeng gumanap dito si Ping Medina o si Coco Martin. Pero pwede na rin siguro si Zanjoe Marudo para yummy. Hahaha!
  • Gisele—si Glaiza de Castro o si Toni Gonzaga
  • Andres Bonifacio—bagay rito si Dennis Trillo! 😀
  • Trono—Marvin Agustin! Need I say more?

Para sa iba pang mga karakter, kahit sino, pwede ng gumanap nun basta kaya nilang gampanan ang role.

Grabe na ito. Bigla akong na-excite. Sana magkatotoo. 😀

Advertisements

8 comments on “Amapola sa 65 na Kabanata: the movie?

    • as in exciting talagang basahin. kaya nirerekomenda ko talaga sa mga kakilala ko itong “Amapola” novel ni Ricky Lee. 😀

      at tama ka, babae po ako. ahahaha! siyangapala, salamat sa papuri. parang nag-init ang pisngi ko sa sinabi mo a! wehehehe! salamat, salamat. marami pa akong dapat matutunan. 😀

    • nagkataon lang na mas malaki ang dibdib niya kesa kay Eugene Domingo. pero match na match si Cherry Pie as Nanay Angie at Eugene as Lola Sepa, di ba? 😀

  • Leave a Reply

    Fill in your details below or click an icon to log in:

    WordPress.com Logo

    You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

    Twitter picture

    You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

    Facebook photo

    You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

    Google+ photo

    You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

    Connecting to %s

    %d bloggers like this: