Wala akong DSLR

Published April 5, 2012 by dapithapon

Sikat na sikat ang DSLR ngayon. Pero dahil mahal ang presyo nito, hindi ako nahihikayat bumili. Gusto ko sana kaso, hindi kaya ng bulsa ko kasi may mga iba pa akong pinagkakagastusan tulad ng damit, travel, atbp. Kaya sa ngayon, wala muna iyon sa mga priyoridad ko sa buhay. 😀

Pero, in fairness naman, okay naman kumuha ng litrato gamit ang cellphone at point-and-shoot camera e. Nasa paga-anggulo lang naman ‘yun. Kaya iyon muna ang ginagamit kong pampraktis. Malay natin, baka makaipon ako bigla ng pambili ng DSLR, e di at least, praktisado na ako sa pagkuha ng mga litrato.

Ang fascination ko ngayon e mga ulap. Mistula kasing iginuhit ng batikang pintor ang hugis ng mga ulap. May hugis aso, dinosaur, dragon, bulak, feathers, at kung ano-ano pang hugis na napakagandang pagmasdan.

Gusto ko lang ibahagi ang ilan sa mga larawan ng ulap na kinunan ko gamit ang luma kong cellphone (Nokia 6600–R.I.P.) at ang napaglumaan naming point-and-shoot camera. Walang bahid ng editing ito mula sa Adobe Photoshop kaya pasensiya na kung hindi ganoon kalinaw ang ibang mga kuha. May bonus pang dalawang bulaklak. He-he. 🙂

Advertisements

4 comments on “Wala akong DSLR

  • Tama ka jan bro! Uunahin pa ba natin to kesa sa mga pangngailangan natin?

    Mahal talaga tong DSLR na to, pinakamura ata ay nasa 22k. Kakabili lang ng friend ko nung isang araw ng canon, okay naman masaya naman siya sa nabili niya.

    Anyway okay naman yung mga photos na nakapost dito a! More than enough na ang gamit mo ngayon.

    Saludo ako sa blog mo!

    Exchange links tayo.

    • Sis po ako at di bro. Hehehe. Salamat sa pagbisita sa blog ko. Nag-subscribe na ako sa blog mo. Napaka- informative ng blog mo. Malaking tulong sa mga tulad kong baguhang blogger. 🙂

  • in fairness, you have good shots!! nasa pag aanggulo lang yan… i have so many friends who have DSLR cams.. but to tell you honest, I’m not impressed by the way they take pictures.. it’s like they’re just using a digi cam 😛

  • Leave a Reply

    Fill in your details below or click an icon to log in:

    WordPress.com Logo

    You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

    Twitter picture

    You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

    Facebook photo

    You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

    Google+ photo

    You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

    Connecting to %s

    %d bloggers like this: