ulan na naman!

Published June 8, 2011 by dapithapon

Mula umaga hanggang hapon ang ulan sa QC. Sana hindi bumaha! Kaya andaming nagkakasakit, pabago-bago ang panahon. Minsan mainit, minsan sobrang lamig. Maaraw sa umaga, biglang uulan sa hapon. Ano ba ‘yan?! Ang masaklap pa nito, may weather allergy ako. Kaya para akong human barometer na alam kung paparating na ang ulan kapag nagsimula nang pumintig sa sakit ang sinus ko.

Hay! Ayoko talaga ng tag-ulan. Alam ko kelangan ng mga pananim at dam natin ang tubig ulan pero nakaka-badtrip kasi tuwing umuulan lalo na kung bahain sa lugar kung saan ka nakatira. Flood is one of the things I fear the most every time it rains. Dagdag pa nito, sobrang maputik sa daan kapag umuulan.

Badtrip talaga! Pag umuulan kasi, andaming ka-badtripang nangyayari. Nariyang masira ang porma mo kasi kahit mukha kang cool kapag nakasuot ka ng kapote o jacket, tatagaktak naman  ang pawis mo lalo na kung hindi malamig ang panahon. Pwede ring kapag puti ang suot mo tapos natalsikan ng tubig mula sa mga humaharurot na sasakyan o maski habang naglalakad ka, ayun, po-problemahin mo talaga kung paano tatanggalin ang mantsa.

Eto pa, nadudumihan ng husto ang sapatos mo (at minsan pati laylayan ng pantalon mo) o di kaya’y matatalsikan ka ng tubig sa daan na hindi mo alam kung dinaanan na ng daga at ipis ang naipong tubig sa lubak-lubak na kalsada. Puwede ka ring madulas habang naglalakad dahil sa ulan.

Bukod sa pagbaha, matindi rin ang mga kalamidad na dulot ng tuloy-tuloy na pag-ulan. Puwedeng magkaroon ng landslides sa mga bulubunduking lugar. Puwede ring mag-alburoto ang mga bulkan o di kaya’y magkaroon ng tsunami, at marami pang ibang sakuna na dulot ng ulan.

Hay… Madalas tuloy, nalulungkot ako kapag umuulan. Nakaka-emo at nakakaantok ang mga ganitong panahon. Gusto ko lang umuulan kapag tamang buhos lang, tipong di enough para bumaha pero lumalamig ang paligid. Masaya rin ang ulan kapag nasa loob ako ng bahay at nakahiga sa kama or kumakain ng mainit na lugaw o champorado tapos may pritong tuyo habang humihigop ng mainit na kape. Iyon lang ang maganda tuwing umuulan! Pero maliban doon, wala na akong makitang maganda sa paligid ko tuwing umuulan. Buti sana kung  nasa probinsiya ako, pwede akong maligo sa ulan.  Pero dito sa Metro Manila? No way! Baka magkasakit pa ako kapag ginawa ko ‘yun.

Ayoko talaga ng rainy season! Argh!

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: