Case No. 1: thesis defense ni wennie

Published October 13, 2010 by dapithapon

Case No. 1:  Thesis defense ni Wennie

Victim: Wennie

Witnesses: Rayts, Haids, Rachel and Joan

Maikling pag-uulat tungkol sa pangyayari: Dumanak ang dugo sa DFPP AVR room matapos iulat at ipagtanggol ng estudyanteng nagngangalang Wennie ang kanyang M.A. thesis sa apat na propesor na bumubuo sa thesis panel.  Umagos ang dugo sa ilong ng isa sa mga panauhin na nanood ng naturang pag-uulat. Sa kabutihang palad, walang namatay.

Ha-ha-ha!

Gusto ko lang i-share ang nangyari sa thesis defense ni Wennie nung Oct. 11, 2010.

Kinse minutos bago mag-2:30 pm, tinext ako ni Rayts kasi nakalimutan ko s’yang i-text ng 1:30pm para sabihin kung pupunta ba ako o hindi sa thesis defense (TD) ni Wennie sa DFPP AVR. Dahil hindi ako nakapag-reply agad, tinawagan na n’ya ako. Tumakas na raw s’ya sa opisina at magta-taxi na papuntang UP para umabot s’ya.

Nagpaalam ako sa admin officer namin para legal akong makalabas ng opisina. Naglakad na lang ako papuntang FC kasi di hamak na mas mabilis pa akong maglakad kesa sa sumakay pa ako ng Ikot dyip.

Pagdating sa FC, 2:30pm na. Late na kami ni Rayts. Pero dahil nandoon na rin lang kami, lakas loob kaming pumasok sa AVR. Kasalukuyang binabasa noon ni Wennie ang buod ng thesis n’ya kaharap ang mga miyembro ng thesis panel.  Ang mga propesor na naroroon ay sina Prof. Paulino, Dr. Ocampo, Prof. Ortiz at Prof. Rodriguez.

Pumuwesto kami ni Rita sa likod na hanay ng mga upuan. Sa araw na iyon, kami ang nag-volunteer na maging cheering squad ni Wennie. Kasama rin namin s’yempre sina Rachel at Joan. ‘

Habang nakikinig kami sa nirereport ni Wennie, di ako mapakali. Pati ako’y kinakabahan. Feeling ko e gigisahin din ako ng panel. Di kasi mapuknat sa utak ko ang posibilidad na ganoon din ang gagawin ko pagkatapos kong buuin ang thesis ko. Madaling mag-ulat tungkol sa thesis ko. Ang kinakabahan talaga ako ng husto e ‘yung magiging desisyon ng thesis panel. Malaki pa rin pala kasi ang posibilidad na i-reject ang thesis ng estudyante kapag hindi pumasa sa panlasa ng panel. Susme! Parang pinipitpit ng luya ang pakiramdam ko. Anumang sandali, pakiramdam ko’y dadanak ang dugo mula sa ilong ko.

Habang pinapakinggan ko ang pag-uulat ni Wennie, tahimik akong natuwa kasi andami kong natutunan. Tsaka siyempre, nabibilib ako sa galing ng kaibigan ko. Sa wakas! Konti na lang at malapit na n’yang matapos ang M.A. n’ya. Ako? Hopefully, isang taon na lang ang bubunuin.

At dahil medyo sinaniban ako ng lasing na espiritung tumira ata ng shoktong (hehehe! chorva lang!) na gumagala sa FC, di na naman ako mapakali sa upuan ko at hindi rin nakuntento sa pakikinig lang. Kelangang may iba akong ginagawa. Kaya ayun, lihim kaming nagchikahan ni Rayts habang nag-uulat si Wennie sa pamamagitan ng pagtipa sa high tech na cellphone ni Rayts. Habang nakikinig ang tenga ko sa pag-uulat ni Wennie, busy ang utak at mga daliri ko sa pagtipa ng sagot sa mga tanong ni Rayts sa cellphone n’ya. 😀

Pagpatak ng alas-tres y media ng hapon, natapos din sa wakas ni Wennie ang kanyang pag-uulat. Unang bungad sa kanya ni Doc Nilo ay ganito, “Lumampas ka sa itinakdang treinta minutos para sa iniulat mong thesis…” Nyahaha! May ganoong kemerloo?  😀

Doon nagsimula ang paghihimay ng panel sa thesis ni Wennie. Pagsapit ng 4pm, nasabi na nilang lahat ang mga nais nilang sabihin na maaaring gawing improvement sa thesis ng kaibigan ko.

At pagkatapos ding ibaba ang hatol ng mga hurado…este miyembro ng thesis panel ang kanilang komento tungkol sa thesis ni Wennie, pinalabas kami ng AVR kasi pag-uusapan daw ng mga ito ang kanilang desisyon kung papayagan ba nilang ipagpatuloy ni Wennie ang thesis o hindi.

Sa tingin ko, iyon ang pinaka-nakakakaba sa lahat. Ang paghihintay. Pero dahil 4:30pm na, minabuti ko na lang magpaalam kay Wennie kasi kailangan ko ng bumalik sa opisina. At isa pa, ramdam na ramdam ko ang tensiyon ni Wennie. Kesa bumaligtad ang sikmura ko habang nakikiramay sa paghihintay ni Wennie, umalis na lang ako agad kasama si Rayts na kinailangan na ring bumalik sa opisina.

At habang nasa dyip, pinag-usapan namin ni Rayts ang mga dapat naming i-enroll next sem.

Nung naghiwalay kami at bumaba na ako sa harap ng UP Theater, bigla kong naitanong sa sarili ko, “Kelan ko kaya matatapos ang M.A. ko?” 🙂

Sabay kumulo ang tiyan ko tanda ng nagbabadyang gutom. 🙂

Advertisements

One comment on “Case No. 1: thesis defense ni wennie

  • Leave a Reply

    Fill in your details below or click an icon to log in:

    WordPress.com Logo

    You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

    Twitter picture

    You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

    Facebook photo

    You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

    Google+ photo

    You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

    Connecting to %s

    %d bloggers like this: