papers…papers…papers…

Published September 28, 2010 by dapithapon

Malapit na ang katapusan.

Matatapos na ang semestre pero ang requirements na kailangan kong tapusin para sa dalawa kong subjects ay kasing-labo pa ng ‘am ‘ mula sa hugas-bigas na sinaing ko kaninang umaga.

Pero, nangangarag man ako tulad ng isang tipikal na estudyanteng professional crammer ay hindi pa rin kayang tibagin ng “mind over matter” kong mantra ang katotohanang isang linggo na lang ang nalalabing araw bago ko isubmit ang Slumbook ko para sa Fil 10.1 at research/concept paper ko para sa sa Fil 225.

Kahit papaano, nakatapos na ako ng limang pahina para sa Ilokano Slumbook ko. Siguro, sampung mug na lang ng 3-in-1 coffee, tapos ko na iyon.  Pero ‘yung paksa ko para sa Fil 225 ay ngayon ko palang nabibigyang linaw sa utak ko. Hanggang panaginip, hindi ako nilulubayan ng pinili kong topic na gusto kong pag-aralan.

Tulad kaninang alas-5 ng umaga, bago kami umalis ng nanay ko sa bahay, umidlip ako habang nagbibihis ‘yung nanay ko. Sa pag-idlip ko, may narinig akong boses, tinatawag ang pangalan ko. Paglingon ko para malaman kung kanino galing ‘yung boses, ang nakita ko ay lalaking nakasuot ng Sablay tapos may hawak na papel na sing-dilaw ng tartar ang kulay sa kalumaan. Lumapit ako sa lalaking nakasablay. Di ko maaninag ang mukha n’ya. Binasa ko ang nakasulat sa hawak n’yang papel. Pagkabasa ko, gusto kong umubo ng labas ang kaluluwa ko sa pagkagulat at sa pagpipigil ng tawa kasi ang nakasulat doon…hulaan ninyo kung ano? May Magic Realism ba sa Pilipinas? Sagot! Anak ng…

Papaano nga ba sisimulan ang isang paksa na walang kongkretong produkto ng pag-aaral dito sa Pilipinas? Para kasing panay kanluraning pag-aaral lang ang meron e. Mukhang kailangan ko talagang magkalkal ng mga impormasyon mula sa bunton ng dayami at pagkatapos ay pagtagni-tagniin ito para maituring na isang makabuluhang ambag sa Panitikan ng Pilipinas.

Hoooo! Takte! Parang gusto kong kumuha ng balde para saluhin ang tumutulong dugo sa ilong ko. Ha-ha-ha!

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: