Hagupit ng bagyong ‘Ondoy’

Published September 27, 2010 by dapithapon

  Posted by me on September 29, 2009 at 11:38am

Kanina, isinulat ko ang naging personal na karanasan ko sa bagyong ‘Ondoy’ kaya lang ay nagloko ang Ning kaya nabura lahat ng sinulat ko at hindi ko naipost dito sa blog ko.

Gayunpaman, ang bottomline ay nagpapasalamat ako sa Diyos kasi nakaligtas kami sa bagsik ng bagyong ‘Ondoy.’

Marami pa rin tayong mga kababayang nangangailangan ng tulong. Umaapila ako sa mga may mabubuting puso na kung pwede po sana ay tipunin natin ang mga maayos nating damit na pwede nating ipamigay, mga ekstrang pagkain na ready to eat at magbahagi ng tubig na maiinom sa ating mga kababayan.

Makipagugnayan lamang po sa volunteer groups at sa mga pinakamalapit na simbahan at foundation sa inyong lugar para makatulong tayo sa pamamahagi ng mga relief goods sa mga kababayan nating biktima ng baha.

Maraming salamat po.

**********************************************************************************************************

Dagdag lang: 

Nasa bahay ako noong ika-26 ng Setyembre 2009, kung kailan sinalanta ng Bagyong Ondoy ang buong Pilipinas at ang pinaka naapektuhan ng husto ay ang buong Metro Manila. 

Noong mga panahong iyon, kitang-kita mula sa 2nd floor ng bahay namin ang taas ng tubig-baha. Kahit sino siguro ay nenerbiyosin kasi  singtaas ng bakod namin na may halos pitong talampakan na taas ang rumaragasang tubig na umagos sa kalye namin.

Ang pinagpapasalamat namin noon sa Panginoon ay hanggang hita lang ang tubig na pumasok sa loob mismo ng bahay namin. Kung nagkataon na mas tumaas pa siguro ang tubig-baha, hindi ko na alam kung saan kami pupulutin kasi mahirap para sa amin, lalong-lalo na sa mga magulang ko ang umakyat ng bubong dahil mahina na ang kanilang mga tuhod. Bukod pa roon, may mga kasama kaming maliliit na bata—iyung 2 years old kong pamangkin at iyung sanggol na anak ng kapitbahay namin na nakitulog muna sa bahay namin dahil halos lampas tao na ang tubig sa bahay nila.

Matapos ang mala-bangungot na kalamidad, sumabak agad sa malawakang paglilinis at paglilimas ng tubig ang lahat ng tao sa subdibisyon namin. Talagang walang sinanto ang naturang bagyo. Mayaman man o mahirap, lahat ay sinalanta ng Bagyong Ondoy. 

Dalawa o tatlong linggo yata kaming naglinis ng bahay kahit umupa na kami ng makakatulong namin sa paglilinis. 

Kaya ngayon, may bahagya na kaming takot tuwing lumalakas ang ulan. Sana lang talaga, huwag nang maulit ang ganoong klase ng pagbabaha sa Pilipinas. Nakakatakot. Kaya importante talagang alagaan nating lahat ang Kalikasan dahil ayon nga sa isang kasabihan, “Ang basurang itinapon mo ay babalik din sa iyo.”


Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: