may sakit ako nung balentayns day!

Published September 27, 2010 by dapithapon

  Posted by me on February 16, 2009 at 9:30pm

wala akong maisulat na matino ngayon. hanggang ngayon kasi may sakit pa rin ako. peste talaga. sa dinamirami ng tatamaan ng trangkaso, ako pa. at sa dinami-rami ng araw na pwede akong tamaan e nung feb. 12 pa! two days before valentine’s day! ni hindi tuloy ako nakapunta sa UP Fair. waaah! dati-rati ang attendance ko sa UP Fair mas kumpleto pa kesa sa attendance ko sa NatSci I e. ngayon naman…hikbi.

hanggang ngayon ayaw pa rin akong lubayan ng flu virus na ito. nagmutate na kasi ang mga virus ngayon. dati-rati, 3 days lang ayos na ako. ngayon naman, 5 days na hinahapo pa rin ako! huhu. di na nga makagimik, di pa makasipot sa mga nagyayaya ng date (sabay ganon ‘no? ).

habang ang iba ang nagsasaya kapiling ang kanilang mga ka-date, kaberks at kabatak…habang ang iba’y umiindak o di kaya’y tumatalon habang nakikinig sa tugtog ng mga banda sa UP Fair…. habang ang iba ay nagpapakasal… habang ang iba’y nagcho-chorvahan sa mga motel, hotel, atbp… habang ang iba’y gumagawa ng suicide note kasi nasawi sa pag-ibig nitong Feb. 14… habang ang iba’y patuloy na naghihirap dahil sa mga iniwang bakas ng kalamidad… habang ang iba’y tahimik na nagdi-dinner date… ako naman, eto, sandamakmak na mga gamot ang iniinom pero hanggang ngayon di pa rin ako magaling. kung sinusuwerte nga naman.

kaya laos ako ngayon. tsaka na lang ako mag-iisip ng matino. baka sakaling pag matino na rin ang pakiramdam ko e makapagsulat ako ng maayos na blog. teka, teka, teka. kelan nga ba titino ang pag-iisip ko? hehehe. ewan ko lang. a basta. gusto ko ng gumaling. ayoko na pong magkasakit. hikbi.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: