Let go UP, let’s go!–The UAAP 2009 Cheerdance Competition

Published September 27, 2010 by dapithapon

  Posted by me on September 14, 2009 at 11:00am

Nakatayo ako sa hagdanan ng Upperbox B kasama ang mga Isko at Iska na hyperactive sa kasiyahan habang nanonood ng UAAP 2009 Cheerdance Competition.

Walang pakialam ang lahat, kabilang na ako, kasehodang ugatin man ang mga binti namin sa tagal ng pagkakatayo. Ang mahalaga, naroroon kami sa Araneta Coliseum para bigyang suporta ang UP Pep Squad.

Dala ang aming never-say-die attitude, bawat isa ay labas-litid na sumisigaw ng cheering songs para isigaw na kami ay mga Iskolar ng Bayan na “matatapang, matatalino, walang takot kahit kanino, hinding hindi kami pahuhuli, ganyang kaming mga taga-UP! U-nibersidad ng Pilipinas! ”

Sa ending, 3rd placer lang ang pinakamamahal nating UP Pep Squad. Ngunit, subali’t, datapwa’t ganoon ang kinalabasan, masaya ang lahat dahil deserving naman ang nanalong unibersidad (FEU) sa kanilang flawless routines sa naturang cheerdance competition. Katunayan, maging ang mga estudyante sa iba’t ibang unibersidad, maliban sa mga taga-Usté na kapansin-pansin ang katahimikan, ay sabay-sabay na nag-chant bilang pagbibigay suporta at approval sa mga nanalong pep squad. At ang mga Isko at Iska? Sports lang. Pagkalipas ng dalawang minutong katahimikan matapos i-announce na 3rd placer lang ang UP Pep Squad, nagpalakpakan kaming lahat at sabay-sabay nagchant ng “U-nibersi-dad ng Pilipinas!”

At ang hindi mawawala sa mga ganitong kompetisyon—ang umaatikabong asaran. Nung inihayag na 3rd placer lang ang UP Pep Squad, sumigaw ang kampo ng mga taga-Usté na “Go Usté, go Usté, go Usté, go, go, go, go!” sa pag-aakalang sila ang mananalo. At tuwang-tuwa sila na 3rd placer lang ang UP.

Siyempre naman, hindi padadaig ang mga iskolar ng bayan kaya bilang tugon—mula sa puwesto naming mga nasa Upperbox B, sinimulan naming mga taga-UP ang kontaminasyon ng mga mapang-asar na chant laban sa Usté hanggang sa kumalat ito sa crowd ng DLSU, ADMU, UE, FEU, NU at AdU. Iisa ang aming sinisigaw—“’Wag lang U-S-T!” At parang panalanging dininig ang aming mga dasal, ang nanalo sa UAAP2009 Cheerdance Competition ay ang mga sumusunod:

2nd runner-up—UP Pep Squad
1st runner-up—Ateneo Pep Squad
Grand Champion—FEU Pep Squad

Congrats sa mga nanalo! Hahaha!

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: