Eksenang peyups tuwing pasukan…

Published September 27, 2010 by dapithapon

Posted at Friday, June 17, 2005

Pasukan na naman!  Pero bago sumugod ang mga estudyante sa panibagong pakikibaka, dumaan muna sila sa isang madugong registration.

Kilala ang UP sa pagkakaroon ng isang mabusising registration lalung-lalo na ang mahahaba at madudugong pila.  Sa katunayan, sa kabila ng pagkakaroon ng CRS o computerized registration system na ipinatupad simula pa noong 1998, ang mahabang pila ay isa pa ring kalakarang patuloy na umiinog sa loob ng Unibersidad.  Ang kagandahan lang, habang nagiging moderno ang proseso ng page-enrol ay bumibilis kahit papaano ang pag-ikli nito.

Ngayong taon, umabot sa halos 26,000 ang bilang ng mga freshmen students o frosh na nag-enrol ngayon sa UPD.  Ang ganito kalaking dagdag sa populasyon ng Unibersidad ang naging dahilan upang maantala ang layunin nito na tuluyang mawala ang madugong pila tuwing enrollment.

Ating sundan ang masaklap na kapalaran ni Isko. Lunes,enrollment, gumising ng sobrang aga si Isko. Pagkatapos mag-inat, magmumog, maghilamos, kumain at maligo, sinimulan niyang ihanda ang kanyang mga dadalhin sa iskul. Napansin ng kanyang inay ang mga gamit na isinisilid niya sa kanyang backpack.

“Bimpo, t-shirt, makapal na pocketbook, bolpen, sketch pad, isang supot ng mani, baunan, dalawang bote ng tubig at payong. Aba! Daig mo pa ang pupunta sa camping ah.”

Pagkatapos mag-impake, lumarga na si Isko.  Pagsapit sa terminal ng dyip, laking pagkaasar ang sumanib sa kanyang katauhan ng kanyang makita ang pagkahaba-habang pila sa UP-PHILCOA na dyip.  Akala ng pobreng estudyante, tapos na ang kanyang kalbaryo.  Ngunit, pagdaan niya sa may AS Lobby patungo sa kanilang departamento, tila siya nanghina sa mahabang pila ng mga estudyanteng nais kumuha ng  subjek.  Ang mga naglipanang estudyante sa lobby ang dahilan kung kaya’t siya’y init na init at pawisang dumating sa kanyang destinasyon.

Bago tuluyang uminit ang kanyang ulo, isang malalim na buntong-hininga ang kanyang pinakawalan at nagsimula na siyang maglitanya sa kanyang utak ng samu’t saring pamumuna o mas tamang sabihing panunuligsa sa sistema ng page-enrol dito sa Unibersidad.

Napabuntung-hininga na lamang si Isko. Nausal sa sarili, “Naku talaga! Kung bakit ba naman kasi hindi pa ako nag-CRS eh! Sa susunod, promise, magsi-CRS na ako.”

Pagdating sa enlistment room para sa Kasaysayan II, laking tuwa ni Isko ng makitang maikli lamang ang pila.

“Sa wakas! Makaka-enlist din ako maski isang subjek!”

‘Yun ang akala ni Isko. Noong siya na ang mage-enlist, sinabi ng binabaeng registration assistant, “Sorry po. Close na. Next!”

Nagdilim ang paningin ni Isko at napahampas ng malakas ang mga palad sa lamesa sabay tinanong ng pasigaw ang pobreng R.A., “Ha?!! Ano’ng sinabi mo???!! Hindi pwede ito! Graduating student na ako kaya sa ayaw at sa gusto mo, kelangan maisingit ako sa listahang hawak mo!”

Pagkatapos makabawi ng pagkabigla, mataray na sinagot ng R.A. si Isko.  “Sorry ka. Hindi ka na nga nag-CRS, late ka pa dumating. Tsupi! Next!”

Lulugo-lugong lumipat sa ibang enlistment room si Isko. Napag-isip niyang mag-enlist na lang muna ng natitira pa niyang electives. Itutuloy sa susunod na sem…(Note: siyempre, nakalimutan ko ng may ganito akong blog kaya dehins ko na itinuloy kahit kelan.Hehehe. Peace! \m/)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: