ang pinakabatang fan ni richard gutierrez…sori pero hindi ako ‘yun!

Published September 27, 2010 by dapithapon

  Posted by me on February 11, 2009 at 1:00am

akala ko ako lang ang mahilig kiligin sa mga artista dito sa bahay namin. ‘yun bang tipong nagkakaron ng crush sa mga artista to the highest level pero not to the point of stalking. wala namang gano’ng factor. bale ‘yung tipong medyo baliw lang kung humanga sa mga personalities (na noong nagbuhos ng kagandahan at x-factor ang Diyos sa sangkalupaan e halos nasalo na ‘ata nilang lahat) dahil panay irit at kung kiligin e parang kinikiliti pati laman-loob kapag nakikita halimbawa sa tv ‘yung crush na si Dennis Trillo sabay sigaw ng “I love you Fafa Dennis!” ayun. me gano’ng factor.

puwes! sorry na lang ako kasi mukhang may papalit na sa trono ko. at take note! walang mag-aakala na s’ya pala ang susunod sa mga yapak ko! o ha!? parang ‘yung susunod na reyna ng telenovela lang ang tinutukoy ko ‘no?

well, well, well. it’s none other than my baby pamangkin cum inaanak na ubod ng cute at cuddly. weytaminit! baby? oo. baby. sanggol. uha-uha-uha. googoo…gaga. este da-da. tama ang hinala ng lahat. isa siyang baby girl. katatapos lang ng kanyang 1st birthday. at tama rin ang hinala ng lahat. siya ang tinutukoy ko na papalit sa trono ko.

ano ang dahilan at nasabi ko ang kamangha-manghang bagay na ito? bibigyan ko ng ideya ang sinumang interesadong malaman kung bakit ko nasabing ang baby girl na ito ang papalit sa trono ko. simple lang. dahil sa tingin ko e siya ang pinakabatang fan ni Fafa Richard Gutierrez! sosyala ang bagets! type n’ya si Richard Gutierrez! Walang halong stir ito! 5-months old palang si baby girl, crush n’ya na si Fafa Richard! Trulili ever ‘yan! susme! nababaklush na tuloy ako.

ganito ‘yun, may ilang matatalinong obserbasyon (ahahaha! iloveit!) ako kung bakit sa napakamurang edad, as in mas mura pa sa presyo ng sardinas at noodles na balak lagyan ng EVAT ng gobyerno, e nabuking ko kaagad na may namumuong pagsinta (me ganon? pasintabi Mr. Fu!) ang pamangkin cum inaanak kong bebi gurl kay Fafa Richard Gutierrez.

1. Tuwing pinapatalastas sa telebisyon ang commercial ng Head and Shoulders na si Richard Gutierrez ang endorser, kesehodang dumedede sa kanyang butihing mommy ang pamangkin kong cute and cuddly, titigil s’ya saglit at hahayaang nakabuyangyang ang suso ng kanyang mommy para lang titigan ang Fafable na mukha ni Richard.

2. Nung nag-guest si KC Concepcion at Richard Gutierrez sa show ng Mel and Joey sa GMA-7 nung last Sunday (Feb. 8), nanood ang bagets! Kahit wala s’yang maintindihan sa ginagawang pagpapa-cute ni KC at Richard, sige lang sa panonood ang bagets. Parang naka-glue ang mga mata sa TV. May moments na may reaction rin s’ya. Halimbawa, ituturo n’ya si Richard at sabay bigkas ng “O-o-o!”

3. At ito ang pinakamatindi! Kapag tinatakpan namin kunwari ang mata ni baby gurl para hindi mapanood si Richard either sa commercials, talk shows or variety shows, naghuhurumentado ang bagets! Sisigaw ng “ah-ahhhh!” sabay kagat o hampas sa mga hampas-lupang kamay na tumakip sa kanyang magandang tanawin. O ano? Bongga! Bayolente basta si Idol Fafa Richard ang involved!

winner talaga! kung may pa-contest siguro ang GMA 7 para sa pinakabatang fan ni Richard Gutierrez, isasali ko ang pamangkin ko. siguradong winner s’ya at ‘yung mapapanalunan n’ya, kung pera man ‘yun, paghahatian naming dalawa. har-har-har!

napagtripan ko nga minsan na ipagtapat kay baby girl na ako ang long lost ex wife cum kerida ni Fafa Richard kahit duda ako kung mage-getz n’ya pinagsasabi ko e. o-o-o! chorva lang ‘yun. baka may maniwala! hahaha!

bigla ko tuloy naisip, what if maniwala nga talaga sa akin si baby girl na ako ang long lost ex wife cum kerida ni Fafa Richard tapos nadiskubre n’ya paglaki n’ya na ginugudtaym ko lang pala s’ya? hehehe! malamang hindi lang kagat at hampas ang ibibigay n’ya sa akin…

baka sumenyas rin s’ya ng W-M-L sabay sabi on my face ng famous line ni Angelina of Bubble Gang,

“Whatever naning, you’re such a major loser!”

richard gutierrez

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: